Malditang young female star feeling sikat na sikat kahit wala pang napatutunayan | Bandera

Malditang young female star feeling sikat na sikat kahit wala pang napatutunayan

Cristy Fermin - December 28, 2017 - 12:15 AM


HINDI pa man sumisipa nang mataas ang kanyang career ay dinadaot na ng kanyang mga katrabaho ang isang young female personality na may hindi kagandahang ugali.

Feeling na agad ang babaeng itey kahit wala pa naman siyang karapatang magmaldita at magpahintay ng kanyang mga kapwa artista sa isang proyektong sinuwerte niyang makuha.

Kuwento ng aming source, “Naku, si the late ba? Ganu’n kasi ang tawag sa kanya, si the late, dahil sa pagpapaimportante niya sa trabaho. Imagine, hindi pa man, e, nagpapahintay na siya sa set?

“Di ba naman? Napakaaga niya namang nagpa-prima donna, e, wala pa nga siyang napapatunayan, sinuwerte lang siyang mabigyan ng isang movie na siya ang bumibida,” nakataas ang kilay na kuwento ng aming impormante.

Impernes ay maganda naman ang young actress na ito, nakaaarte rin siya, pero hindi nga ‘yun lang ang kailangang meron ang isang personalidad para siya magtagumpay.

“Kailangan pang rolyohan ng mga nag-aalaga sa kanya ang girl na ‘yun! Akala yata kasi niya, e, tama na ang face niya at nakaaarte siya, kaya kahit baguhan pa lang siya, e, puwede na siyang umasta na parang sikat na sikat na siya!

“Kung ang mga co-stars nga niya, e, dumarating sa tamang oras, siya pa ba naman ang aarte nang hindi tama na ganyan? Kasi naman, ang mga taong nakapalibot sa kanya, e, puri nang puri, sinusuob siya ng mga salitang nakakapagpalaki ng ulo!

“Ayan tuloy, akala niya, e, napakaimportante na niyang artista, feeling niya, e, napakalaki na ng naiaambag niya sa industriya, kaya siya umaasta na para bang hindi na matatapos ang pinagbibidahan niyang pelikula.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, magetlak n’yo kaya kung sino ang hitaders na young actress na ito?

“Ingat kayo sa panghuhula, baka iligaw kayo ng mga ispiritu sa isang nakakatakot na gubat! Ingat kayo, baka bigla na lang may sumutsot sa tabi n’yo, okey?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending