Sarah payag kayang makahalikan si James Reid?

SARAH GERONIMO AT JAMES REID

NGAYON pa lang ay excited na ang mga Popsters sa unang proyekto ni Sarah Geronimo para sa 2018.
Ito ay ang Pinoy version ng Korean hit movie na “Miss Granny” kung saan makakasama ni Sarah ang

Kapamilya hunk na si James Reid sa direksyon ni Joyce Bernal.

“Naka-four days na kami. Dire-diretso naman (shooting). And then January, ratsada na kami,” ani direk Joyce sa isang panayam.

Paano niya ilalarawan ang tambalan nina Sarah at James? “Exciting! Ewan ko ba sa kanilang dalawa kung paano nila gagawin ‘yun. Isa pa lang ‘yung eksena nila,” tugon ni Bb. Joyce.

Magkakaroon ba ng kissing scene ang dalawang bida ng pelikula? “Meron! Ha-hahaha! Pero hindi ko alam kung kanino, kasi tatlong lalaki. Tatlong lalaki ‘yun,” pabitin pang sagot ng direkto.

Read more...