Batay sa advisory ng City Information Office ganap na alas-5 ng kaninang umaga, sinabi nito na narekober ang bangkay ni Melvin Gaa, isang empleyado ng NCCC mall Martes ng gabi.
Pawang mga empleyado naman ng data provider na Survey Systems International o SSI ang 37 iba pang nasawi.
“Gaa was included on the list after his body was recovered. As of 9:20 p.m., he was among the list of victims already identified and processed by authorities,” sabi ni city information chief Jefry Tupas sa isang FB chat.
Samantala, dalawa na lamang sa 38 biktima ang hindi pa nakikilala.
Sinabi ng mga forensic expert na kailangan nilang matiyak kung sino sa dalawang bangkay sina Mikko Demafeliz o Alexandra Moreno.
Bukod kay Gaa, kabilang sa mga nakilala na ay sina Jeffrey Sismar, Mary Louielyn Bongcayao, Kurtchin Angela Bangoy, Joy Pabelonia, Christen Garzon at Jim Benedict Quimsing.
Positibo na ring nakilala ang mga biktimang sina Jonas Basalan, Jessica Samontina, Venus Joy Quimpo, Jimboy Limosnero, Christine Joy Ferraren, Rosyl Montanez, Missy Rose Artiaga, Rhenzi Nova Muyco, Ivan Nebelle Roble, Elyn Joy Yorsua, Shiela Mae Bacaling, Roderick Antipuesto, Nancy Loy Abad, Jessica Solis, Charlyn Liwaya, Regine Generales, Gantioco Celestial, Apple Jane Celades, Ian Kiem Adlawan, Lister Jade Entera, at Analiza Piñajiro, Christine Alviola, Roderick Constantinopla, Dresiree Gayle Zacarias, Johani Matundo, Iana Apalacio, Maryjoy Daloro, Randy Balcao at Janine Joy Obo.