ITINALAGA ni Pangulong Duterte si dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD) na nasa ilalim ng Department of National Defense.
Pinirmahan ni Duterte ang appointment paper ni Faeldon noong Disyembre 22, 2017.
Pinalitan ni Faeldon si Rodolfo Demosthenes Santillan.
Matatandaang nagbitiw si Faeldon sa Bureau of Customs (BOC) matapos namang makalusot ang tinatayang P6.4 bilyong shabu sa Customs.
MOST READ
LATEST STORIES