ANG “Haunted Forest” (Regal Films) ang nag-iisang horror movie sa Metro Manila Film Festival kaya expected na dudumugin ito ng mga moviegoers na hindi makakapasok sa mga sinehan that play Ang Panday ni Coco at The Revenger Squad ni Vice.
At dahil naging tradisyon na rin ang manood ng horror movie sa Pasko, blame the “Shake, Rattle and Roll” franchise, wala nang ibang choice ang mga gustong takutin kundi ito.
(As of this writing, third topgrossing film na ito sa festival.)
Nakapokus ang kwento ng “Haunted Forest” kay Nica (Jane Oineza), isang teener na iniwan ang buhay sa city nang malipat ng trabaho ang ama niyang pulis na si Aris (Raymart Santiago) sa probinsya.
Naging nightmare ang buhay ni Nica at kanyang mga kapitbahay dahil sa pagsalakay ng monster na “sitsit” na pumapatay ng mga babae at iniiwan ang bangkay sa gitna ng gubat.
Ang pralala ay a “different type of horror film” ang obrang ito ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde.
That’s funny kasi wala naman itong kaibahan sa maraming horror movies churned by their film outfit in the past.
Ay meron pala: mas marami pa ang pabebe moments between the two love teams kesa sa mga scare. Tuloy kamot-ulo ka kung screamfest nga ba ang pinanonood mo.
Bago rin ang in-introduce na supernatural entity dito–ang sitsit. Pero another kamot-ulo dahil inconsistent ang execution ng special effects ng halimaw.
Different din ito dahil sa last 15 or so minutes ng pelikula lang nagmukha itong horror. Most of the time ay parang waiting for something interesting to happen ang viewers.
Questionable din ang motivations ng mga characters. Sukat ba namang unahing i-save ng bida ang mga boys kesa sa pinsan niyang girl. May taglay na kalandian ba si ate?
Kiyeme ng director na si Ian Lorenos, di raw puro gulat at scare ang movie niya at naka-spotlight daw ang story. Kaya pala dragging, tedious at sleep-inducing!
Na-miss tuloy namin ang mga Kris Aquino horror spectacles like Feng Shui at Sukob na scream-a-minute na ay may istorya pa.
Needless to say, sayang ang P280 na pambayad sa ticket. Save mo na lang ‘yan dahil sa January ay darating na ang
reboot ng Jumanji.
MOST READ
LATEST STORIES