P171M jackpot ng Ultra Lotto sa Biyernes

    Inaasahang aabot sa P171 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa Biyernes.
     Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang nanalo sa P165.2 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto sa bola Martes ng gabi.
     Lumabas ang winning number combination na 22-41-09-44-35-46 sa pinakahuling bola.
     Tatlo naman ang nanalo ng tig-P280,000 matapos makuha ang lima sa anim na numerong lumabas.
      Tig-P2,570 naman ang 338 mananaya na nakaapat na numero at balik ang P20 taya ng 7,974 mananaya na nakatatlong numero.
      Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...