KimXi nag-date sa Europe; balitang hiwalayan ‘fake news’


NOONG Christmas party ng Faces & Curves, marami ang naka-miss sa presence ni Kim Chiu, isa sa mga celebrity endorser nina Dr. Jay and Dra. Sheila Recasata.

Every year kasi, bukod sa kakulitan ni Kim na game na game sa mga sayawan, kantahan at pakornihan ng jokes, hinahanap ng marami ang pagiging very generous ng dalaga kapag bigayan na ng mga regalo at papremyo.

This despite the clinic’s having equally big celebrities like Kris Bernal, Maccoy de Leon, Elisse Joson, Jona, Jason Abalos, Tirso Cruz III, Kaye Abad, Nikki Valdez, Archie Alemania, Rox Barcelo, Will Devaugnn, Roxanne Guinoo, Melissa Ricks, Jed Madela, and several others including John Lloyd Cruz and Gerald Anderson.

Kim’s ate Kam Chiu said, “Nasa Europe for a very important commitment. Nataon na nasabay sa party natin.”

And when everybody asked kung sino ang kasama nito dahil present nga si Kam, the sister just smiled and told us, “Sino ba ang wala dito sa party?”

And everyone sang in chorus, “Ah, si Xian (Lim)! Wow naman! At least hindi pala malamig ang Pasko ng dalawa!”

Xian Lim is another Faces & Curves baby.

q q q

When we spoke with MMDA Chairman Tim Orbos, the one running the MMFF this year, he was so confident that this year’s edition of the filmfest will be very successful.

“Ramdam na ramdam ko po talaga ang init ng pagtanggap ng mga kababayan natin sa lahat ng entries during the Parade of the Stars,” he said during our phone patch interview sa “Chismax” ng DZMM Teleradyo.

Kumpara kasi noong nakaraang taon na mas pinaboran ang kalidad ng mga entry over box-office appeal, this time ay binalanse daw nila ang pagpili sa mga kalahok.

“We can assure our public na lahat ng entries kahit na comedy o musical o drama o horror ay dumaan talaga sa proseso ng quality control, ika nga. We required our producers during the screening process na hindi porke comedy o horror ang entry ay hindi na pagtutuunan ng pansin ang kalidad. And with the results of the final product, happy and satisfied kami,” dagdag pa ni Orbos.

Hindi na lang daw muna niya sasabihin ang “projection” nila sa box-office considering the variety of entries pero umaasa sila na mas mataas ang figures na itatala ng walong entries this year.

Natawa na lang ang opisyal nang turan naming ang maglalaban-laban sa Top 3 ay ang mga pelikulang “Ang Panday” ni Coco Martin, “The Revenger Squad” nina Vice Ganda at Daniel Padilla at “Meant To Beh” nina Vic Sotto at Dawn Zulueta.

Hindi naman malayong sundan o dikitan ng “Deadma Walking” nina Joross Gamboa at Edgar Allan Guzman; “Haunted Forest” ng Regal Films, “Siargao” nina Jericho Rosales at Erich Gonzales, “All Of You” nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado at ang personal favorite naming “Ang Larawan” nina Rachel Alejandro, Joanna Ampil at Paulo Avelino.

Magtatagal hanggang Jan. 7, 2018 ang MMFF habang ang awards night ay magaganap ngayong gabi.

Read more...