‘Haunted Forest’ nina Maris at Jane No. 3 na raw sa MMFF 2017


HATAW agad sa mga sinehan ang horror movie na “Haunted Forest” kahit pa nga baguhan ang lead stars nito. Nakipagpukpukan din ito sa opening day ng 2017 Metro Manila Film Festival!

Ito ay patunay na may following na talaga ang mga horror movies ng Regal Entertainment lalo na kapag filmfest. Kaya naman baguhan man sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal at Jon Lucas, pumalo agad ang entry nila!

Ang information na nakuha namin, number 3 sa top grossers ang nasabing Regal movie. May posibilidad pang malampasan nito ang entry na nasa second place.

Bawat screening kasi nito ay punumpuno ang mga sinehan. Kapag nadagdagan pa ang mga cinema na pinagpapalabasn ng “HF” sa susunod na araw, hindi malayong umangat pa ang puwesto nito sa MMFF 2017.

Sa social media nga lang, flooding talaga ang tweets ng nanood ng pelikula. Positive pa ang feedbacks sa kabuuan ng pelikula kaya sulit na sulit ang ibinayad nila sa sinehan.

In the end, pagdating sa net gross, masasabing winner pa rin ang “Haunted Forest” kung ikukumpara sa budget ng ibang entries.

Bawal maglabas ng kinita ng mga pelikula kaya ‘yung naglalabasan ngayon kung saan-saang internt sites ay hindi opisyal.

Read more...