‘Ang Larawan’ humahataw sa takilya tuwing gabi


GULAT din ang producers ng “Ang Larawan” nang magpakita ng lakas sa evening crowd ang movie.

Hindi ito masyadong kalakasan nu’ng mga unang screenings sa sinehan pero nu’ng gumabi na, natriple agad ang gross nila sa mga sinehan, huh!

Sa totoo lang, base sa tweet ni Ryan Cayabyab na siyang gumawa ng music ng movie, pull out agad ang pelikula sa Trinoma kahit two days ang napagkasunduan bago palitan ang isang entry sa cinemas.

Nadagdag pa sa kasiyahan nila ang magandang feedbacks ng nakapanood. Nang manoood sa isang sinehan ang isa sa bida ng “Larawan” na si Rachel Alejandro, narinig niya sa ilang audience ang pagsinghot.

And take note, laging soldout ang screenings ng movie sa mga sinehang sosyal, huh!

Anyway, makakahabol sa Gabi ng Parangal ang isa sa bida na si Joana Ampil. Kahapon sana ang dating niya sa bansa ayon sa manager niyang si Girlie Rodis.

Ngunit ayon sa manager ng West End Superstar, nagkaproblema sa connecting flight niya from Dubai to Manila.

Kaya ngayon pa lang siya makakarating ng bansa just in time sa gaganaping awards night dahil strong contender siya bilang best actress.

Third day pa lang ng MMFF. Komo de kalidad ang karamihan sa entries, magkakaroon tiyak ng pagbabago sa ranking ng grosses.

Read more...