Nikki Valdez ikakasal na uli, non-showbiz BF nag-propose sa Vigan


ENGAGED na ang Kapamilya actress na si Nikki Valdez sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Luis Garcia.

Naganap ang proposal ni Luis nitong nakaraang Christmas eve, Dec. 24, habang nasa Vigan, Ilocos Sur sila kasama ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan.

Sa mga litratong naka-post sa kani-kanilang Instagram account, makikitang nakasama ni Luis ang kanyang pamilya sa ginawa niyang proposal. Ito’y nangyari sa historic Calle Crisologo sa Vigan.

Pinasalamatan ni Nikki ang kanyang fiancé sa tinawag niyang “most memorable Christmas” sa kanyang buhay. Mensahe ng aktres kay Luis, “Truly a blessed night that happened on the most wonderful time of the year with the most special people in our lives!!! Thank youuuuuu @hoyluisito for making this a December to remember. I LOVE YOU FOREVER and EVER!!! #WeveOnlyJustVIGAN #CHRISTmas2017!”

Isa pang photo na kuha sa ginawa niyang marriage proposal ang ipinost ni Luis sa kanyang IG na may caption na: “Yes daw!!! I love you @nikkivaldez_ FOREVER!!! #WeveOnlyJustVIGAN.”

Pinasalamatan din niya ang kanyang pamilya at ang mga kaanak ni Nikki na nakasama nila sa napakahalagang event sa kanilang buhay,. Aniya, “Thank you to our families, for planning with me.

Success!!! #YESdaw #WeveOnlyJustVIGAN #BestChristmasEver #ProjectMisisButtercream.”

Kamakailan, nag-celebrate ang dalawa ng kanilang anniversary sa Boracay. Isang sweet photo ang ipinost ni Luis sa IG with this caption: “Happy 3rd my love! Thank you for being my hope. Thank you for always being there to cheer and believe. Thank you for being in my life, and sharing me yours. I love you!”

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magpapakasal si Nikki. Unang ikinasal ang aktres sa Filipino-Canadian na si Christopher Lina sa isang civil ceremony sa Canada noong February, 2007. Pero makalipas ang ilang buwan, muli silang nagpakasal sa simbahan.

Tumagal lang ng dalawang taon ang kanilang pagsasama at naghiwalay din noong 2009. Nakuha nila ang kanilang divorce papers noong 2011.

Read more...