Maine wala nang hiya-hiya sa pagrampa habang naka-bikini
MARAMI ang nakakapansin na tuwing may out-of-the-country trip si Maine Mendoza ay hindi talaga ito nagpapaaawat sa pag-post ng photo niyang naka-two piece bikini.
‘Yan ang napansin ng ilang fans niya.
Of late, mga photos naman niya na kuha sa US ang kanyang ipinost at siyempre pa’y hindi nawalan ng picture na naka-bikini siya. With that ay nag-react ang ilang fans, some of them negative.
“Nagpa sexy na naman. Ang dibdib naman parang lalaki. Wala naman balakang, wala ding pwet. Mahiya ka naman sa mga sexy na artista,” wailed one basher.
“Ano to? nagwawala na after ng open letter? Kailangan talaga laging may pa-bikini? Ahhh, baka nanghahanting ng lalaki? Anong sey mo ngayon sa pabebe mong yaya noon, Alden Richards?” sabi naman ng isang basher.
“2 peace pa more….next pls!” said another basher.
Teka, baka masyadong proud lang si Maine sa kanyang katawan kaya naman nahihilig siyang i-post ang kanyang bikini photos sa social media.
Proportion naman ang kanyang body at mukhang makinis naman siya, so, what’s your problem people?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.