Star Music markado na, YouTube views umabot ng 1B


NAKAMIT na ng Star Music, ang record label ng ABS-CBN, ang 1 billion views sa YouTube channel nito, at ito na nga ang kauna-unahang local recording company na naabot ang 1 billion mark dahil sa patuloy nitong pagbibigay ng mga bago at madamdaming videos para maipalaganap ang OPM sa mga Pilipino sa iba’t ibang parte ng mundo.

Sa pinagsama-samang total views ng mga official music videos, lyric videos, recording sessions at iba pang exclusive shots na inilabas ng StarMusic channel, ngayon ay mayroon na itong 1B total combined views.

Ilang linggo bago makamit ang nasabing billion hits, sinaksihan ng mga subscribers at fans ang mga “Himig Handog” videos ng Star Music. Nangunguna na rito ang winning song na “Titibo-Tibo” tampok si Moira dela Torre sa official recording session nito na umani na ng 5.2 million views habang ang kanyang pre-finals video naman ay nakakuha na ng 3.8 million views.

Bukod dito, ang kanyang grand finals video at pati na rin ang official music video ng awitin ay umani na ng 2.2 million views bawat isa.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 1.8 million subscribers ang Star Music at bahagi ng top 10 Philippine channels sa YouTube base sa bilang ng subscribers nito. Ito rin ang unang Filipino music label na nagkamit ng 1 million subscribers noong nakaraang taon, at ikatlong ABS-CBN channel na nakagawa nito.

Kasama sa mga videos nito na may pinakamaraming views ang “Ikaw” official music video ni Yeng Constantino na umani na ng 68 million views, habang ang “Mahal Ko O Mahal Ako” official music video ni KZ Tandingan ay mayroon namang 47 million views sa kasalukuyan.

Ang pagiging aktibo ng Star Music online, sa pamamagitan ng YouTube channel nito, website at social media accounts, ay bahagi ng dumaraming digital platforms ng ABS-CBN, ang nangungunang media at entertainment company sa bansa na nagsisikap para sa tuloy-tuloy na digital transformation nito.

Panoorin ang mga pinakabagong videos ng StarMusic channel sa YouTube, o kaya’y bisitahin ang starmusic.ph, at i-like ang Star Music sa facebook.com/starmusicph, at sundan ito sa Twitter at Instagram @ StarMusicPH para sa karagdagang impormasyon.

q q q

Muling dinagsa ang ABS-CBN Just Love Christmas Special ng Kapamilya fans na todo ang sayang naramdaman dahil sa matitinding performances ng Kapamilya stars matapos silang makakuha ng live show tickets sa Kapamilya Tickets online portal o KTX.

Sa unang pagkakataon, nakakuha ang fans ng tickets sa taunang ABS-CBN Christmas Special sa KTX (Kapamilya Tickets) na isang website kung saan mas madaling makakakuha ng tickets ang publiko para sa ABS-CBN shows at events, pati na tickets sa Kidzania.

Isa sa mga nakapanood ng Christmas Special sa Araneta Coliseum dahil sa KTX si Belinda Bautista na first time nakapanood ng Christmas Special ng live, “Mabilis akong nakakuha ng ticket para sa Christmas Special dahil madali akong nabigyan ng pagkakataon ng KTX na mapanood ang show na hindi na pumipila pa.”

Ang isa pang Kapamilya fan na nagustuhan ang kanyang KTX experience ay si Cecile Espenila na isang tagahanga ng tambalang JoshLia na mula sa Laguna.

“Madaling gamitin ang website dahil simple ang instructions. Nakangiti rin ang mga tao sa counter, mga friendly sila,” ani Cecile.

Read more...