Sa ikapitong sunod na araw, nasira na naman ang tren ng Metro Rail Transit 3.
Alas-5:48 ng umaga ng pababain ang mga pasahero ng tren sa Shaw Boulevard station south bound. Nagkaroon ng technical problem ang tren.
Noong araw ng Pasko isang tren ang nasira sa pagitan ng North Avenue station at Quezon Avenue station south bound alas-4:15 ng umaga.
Alas-4:33 ng umaga ng pababain ang mga pasahero sa Quezon Avenue station.
Bisperas ng Pasko ng masira ang tren alas-6:16 ng gabi. Paalis pa lang sana ang tren sa North Avenue station papuntang Taft Avenue station.
Dalawang tren naman ang nasira noong Disyembre 23. Una noong 5:50 ng umaga sa Boni Avenue station southbound at alas-7:41 ng gabi ng pababain ang mga pasahero sa Guadalupe station northbound.
Nasira rin ang tren ng MRT alas-12:33 ng tanghali noong Disyembre 22 sa Shaw Boulevard station.
Dalawang beses naman nasiraan ng tren ang MRT noong Disyembre 21. Una alas-6:10 ng umaga sa GMA-Kamuning station at alas-10:11 ng gabi sa Shaw Boulevard station.
Nasira rin ang tren noong Disyembre 20 sa gitna ng Ayala Avenue at Magallanes stations, alas-8:38 ng gabi.
MOST READ
LATEST STORIES