AFP naka-full alert sa posibleng pag-atake ng NPA sa harap ng anibersaryo ng CPP

SINABI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-full alert ang militar sa posibleng pag-atake ng teroristang grupong New People’s Army (NPA) sa harap ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“Their celebration is usually accompanied by armed attacks against the people that reflect the CPP-New People’s Army’s true color as a criminal organization void of any ideology,” sabi ni AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo.

Idinagdag ni Arevalo na wala na rin ang dating ipinaglalaban ng CPP-NPA-National Democratic Front (NDF).

Sinabi pa ni Arevalo na pawang pag-atake na lamang ang ginagawa ng teroristang grupo.

Read more...