Paolo Duterte hindi pipigilan ni DU30 sa kanyang pagbibitiw

NAGKAUSAP na si Pangulong Duterte at anak na si  Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at sinabing pababayaan niyang magdesisyon kung itutuloy ang kanyang pagbibitiw sa puwesto.

“Sabi ko sa kanya, ikaw. You are in a position to do what is right. Kung ano lang ang tama sa iyo, gawin mo,” sabi ni Duterte matapos namang kausapin ang anak matapos isumite ni Paolo Duterte ang kanyang resignation letter.

Nauna nang sinabi ng batang Duterte na nagbitiw siya bilang Vice Mayor dahil sa delicadeza matapos namang magsagutan sila ng kanyang anak na si Isabelle Duterte sa kanilang social media account.

“Sabi ko, well, let the people decide. But if you think that there is a better way to do it, do what is right,” ayon pa kay Pangulong Duterte. 

Read more...