Magkasunod na lindol sa Baguio naramdaman

Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Baguio City ngayong tanghali.
Naramdaman ang magnitude 4.8 lindol alas-12:12 ng hapon. Ang sentro nito ay apat na kilometro sa silangan ng Kayapa, Nueva Vizcaya. May lalim itong anim na kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity III paggalaw sa Baguio City at Intensity II sa Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang instrumento ng Phivolcs ay nakapagtala ng Intensity II sa Baguio City at Santiago City, Isabela. Intensity I naman sa Dagupan City, Pangasinan.
Makalipas ang limang minuto, naramdaman naman ang magnitude 3.8 sa Kayapa, Nueva Vizcaya. May lalim itong isang kilometro.
Nagdulot ito ng Intensity II paggalaw sa Baguio City.

Read more...