Davao Occidental niyanig ng magnitude 5.2 na lindol

Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 5.2 ang Davao Occidental kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-8:47 ng gabi. Ang sentro nito ay 236 kilometro sa silangan ng Sarangani.
May lalim itong 12 kilometro at sanhi ng paggalaw ng tectonic plate sa lugar.
Walang inaasahang pinsala ang lindol na ito dahil sa dagat nangyari subalit maaari umanong magkaroon ng aftershock ang pagyanig na ito.

Read more...