‘Meant to Beh’: Inspirasyon sa pamilyang Pinoy

SHOWING na ang ‘Meant To Beh’ nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta, na kabilang sa mga official entries para Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong 2017 at ang gintong aral dito ay pagpapanatili na buo ang isang pamilya.

Kwento ang Meant To Beh ng pamilya Balatbat kung saan produkto ng arranged marriage sina Ron Balatbat (Vic) at Andrea Balatbat (Dawn). Anak naman nila sina Christian (JC Santos), Alex (Gabbi Garcia) at si Baby Baste.

Wala pa ring kupas si Bossing sa pagpapatawa at swak na swak si Dawn bilang kanyang leading lady. Kitang-kita ang chemistry nila bilang mag-asawa.

Nakigulo sa pamilya Balatbat ang karakter nina Andrea Torres (Agatha) at Daniel Matsunaga (Benjo).

Riot ang pelikula dahil naman sa karakter ni Baby Baste na talagang bukod sa sobrang adorable, magaling na rin sa acting. Hindi imposibleng siya ang mag-uwi ng Best Child Performer.

Maganda rin ang chemistry nina JC at Gabbi bilang magkapatid at kahit magkaiba ng network, mukha naman silang komportable sa isa’t isa.

Isama pa si Baby Baste kina JC at Gabbi, na talagang binigyang buhay ang mga karakter nila bilang magkakapatid na gagawin ang lahat para sa kanilang pamilya.

Markado rin ang karakter ni Andrea (Agatha) bilang other woman ni Ron at si Benjo (Daniel) na umaaligid naman kay Dawn.

Rated G (General Patronage)  ang pelikula bagamat may konting bayolenteng eksena sa pagitan nina Andrea at Agatha.

Comedy, drama ang pelikula na tatak na ng mga pelikula ni Bossing Vic.

Kasama rin sa pelikula ang isa pang Kapamilya star na si Sue Ramirez (Rihanna) at Kapuso star Ruru Madrid.

Star studded din ang pelikula matapos namang mag-guest ang mga host ng Eat Bulaga kabilang na siyempre sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jimmy Santos, Ruby Rodriguez, Wally Bayola, Jose Manalo at si Paolo Ballesteros.

Dahil in ngayon ang other woman, binigyan diin sa pelikula ang kahalagahan na buo pa rin ang isang pamilya.

Kung gusto mo lang magrelax at maaliw, hindi ka bibiguin ng Meant To Beh.

Sa iskor na 1 hanggang 10, kung saan 10 ang pinakamataas, bibigyan ko ang Meant To Beh ng 7.

Read more...