NAKIKINIG kami sa tsikahan ng mga sumusubaybay sa seryeng Hanggang Saan nina Sylvia Sanchez, Sue Ramirez, Ariel Rivera, Arjo Atayde, Teresa Loyzaga at iba pa, dahil naninibago raw sila sa karakter ngayon ng anak ni Ibyang.
Hindi pa rin daw kasi sila nakakabitaw sa ginampanan nitong papel sa FPJ’s Ang Probinsyano bilang si Joaquin na sobrang sama, “Nakakapanibago kasi lover boy naman siya ngayon sa Hanggang Saan, so ang hirap mag-switch?” katwiran sa amin.
Maging ang mga kakilala naming subscriber sa TFC ay nagsabing, “Start pa lang naman kaya hindi pa masyadong kumakapit si Arjo, pero bagay sila ni Sue.”
Pero marami ang pumuri kay Arjo sa confrontation scene nila ni Ariel sa Hanggang Saan habang ipinagtatanggol ang kapatid na si Yves Flores na pinagbintangang nagnakaw.
Napapanood ang Hanggang Saan pagkatapos ng Pusong Ligaw sa ABS-CBN.