Sharon tuwang-tuwa nang makaabot si KC sa selebrasyon ng Noche Buena


NAKAHABOL si KC Concepcion sa Christmas eve celebration ng kanyang pamilya. Galing sa Paris ang panganay na anak ni Sharon Cuneta kaya naman tuwang-tuwa ang Megastar nang bumulaga ang anak sa selebrasyon ng pamilya.

“Big Ate’s home!!! Yaaaay,” caption ni Shawie sa video greeting ni KC.

Flooding nga ng videos at fotos ang IG ni Shawie ng masayang selebrasyon ng pamilya. Katakam-takam ang handa nila nitong nakaraang Noche Buena kabilang na ang iba’t bang putahe at prutas.

Sobrang saya rin ang aura ni Shawie nang finally ay makasama siya sa video at pictures dahil kadalasan ay siya ang fotog at videographer kapag may okasyon.

Ipinagmalaki rin niya ang maluwag na niyang sweatshirt patunay na patuloy pa rin ang kanyang pagpayat!

 

Read more...