Nagdulot ng mga landslide at flash flood sa maraming lugar sa Mindanao, partikular sa Lanao del Norte at Lanao del Sur at sa Zamboanga Peninsula.
“We’re really sad that we have this news especially because our countrymen were looking to celebrate Christmas,” sabi ni Marina Marasigan, ng disaster-response agency ng gobyerno.
Sinisi naman ni Sibuco Mayor Bong Edding ang illegal logging sa mga kabundukan sa nangyaring flash flood na kung saan 30 residente ang nawawala matapos na tangayin ang kani-kanilang mga bahay.
Limang katawan ang narekober sa barangay habang patuloy ang isinasagawang search and rescue operation.
Naiulat ang maraming nasawi mula sa Lanao del Norte at Lanao del Sur, matapos na rumagasa ang tubig mula sa isang bundok patungo sa maraming bahay na nasa tabi ng ilog.