Inday Sara: Digong alam plano ni Paolo

ALAM ni Pangulong Duterte ang ginawang resignation ng bise alkalde ng Davao City na si Paolo Duterte bago pa ito inanunsyo sa publiko, ayon naman kay Mayor Sara Duterte-Carpio.
“Yes, the President knew beforehand that the vice mayor will resign,” ani Sara matapos ang ginawang pagbibitiw ng kapatid nitong Lunes.
Hindi naman nagbigay ng komento si Sara sa kung anong naging reaksyon ng kanilang ama tungkol sa kanyang resignation.
“Best if you ask the President his reaction about the resignation,” ani Sara.
Sa ginawang special session nitong Lunes, inanunsyo ni Paolo ang kanyang resignation at delicadeza ang kanyang idinahilan.

Read more...