TINANGGAP ni Xander Ford ang “Pasok Mga Suki” dance challenge na naging viral ngayon sa social media.
Ang “Pasok Mga Suki” ay isa na ngayong dance craze. Ang dami nang sumubok at ang iba ay kuwela naman. Nagsimula ito sa isang guy na nag-post ng isang video kung saan kinakanta niya ang “Pasok Mga Suki” para maka-attract ng mga mamimili.
Nakarating na kay Xander ang challenge at hindi niya ito inurungan. Gumawa rin siya ng sarili niyang version habang nakasuot ng shirt na ipinilipit at white shorts.
Sadly, marami ang nabaduyan at nandiri sa kanyang version kaya naman na-bash siya sa social media. Sa isang website ay kung anu-ano ang pinagsasabi against Xander Ford.
“Walang araw na hindi tayo napapahanga ng batang ito. Siya dapat ang kinukuha sa mga teleserye eh. Malayo ang mararating ng taong ito.”
“WTF did I just watched?”
“Ang sagwa. Disgusting!”
“Sh***t nasira ang araw ko dahil sa video mo.”
‘Yan ang ilang nasty comments against the social media sensation. This prompted some fans to defend him.
“Konting kibot nababash kawawa naman yung tao.”
“Grave naman kayo makahusga sa tao. Hindi ko nga yan lodi pero wala naman ho tayong karapatan na husgahan cya! Bakit ano ba tingin niyo sa sarili niyo perpekto?!”
But this one nailed it: “You guys need to leave him alone. A lot of people committed suicide around the world because of cyberbully. Rather than bullying someone through social media because there are things you didn’t like about the person.
“Focus on things that make your life positive and successful than minding someone’s business when it doesn’t make you money or do you no good. Glad that he’s strong minded and doesn’t let one put him down. Kudos to you.”
Ayun, nasupalpal ang bashers.