Pacman kumasa sa hamon ng Korean show na Infinite Challenge

MANNY PACQUIAO AT RYAN BANG KASAMA ANG CAST AT CREW
NG INFINITE CHALLENGE

NGAYONG bisperas ng Pasko (Dis. 24), isang kwento tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya ang handog ni Sen. Manny Pacquiao sa Stories For The Soul.

Mula sa kwento ng Bibliya na “Parable of the Prodigal Son”, inihahandog sa episode na ito na pinamagatang “Alibughang Anak” ang istorya ni Jess (Juan Rodrigo) at ang kanyang dalawang anak na sina Alex (Martin del Rosario) at Patrick (Jeric Gonzales).

Si Alex, ang kanyang panganay, ay matiyagang tumutulong sa kanilang panaderya sa probinsya. Samantala, ang bunso naman niyang si Patrick, happy-go-lucky at malakas ang loob.

Isang araw, napagdesisyunan ni Jess na patayuan ng sarili niyang bakery si Patrick. Pero ang huli, gusto palang maging isang model at aktor.

Dahil sa ambisyon niyang ito, hiningi na lang niya ang perang gagamitin sana ng kanyang ama sa naiisip nitong business expansion para abutin ang kanyang mga pangarap.

Sa kagustuhang maabot ang kanyang pangarap, gagastusin ni Patrick sa mga hindi mahahalagang bagay ang pera niya. Kaya naman ang pangarap niyang maging isang sikat na model at artista, mawawala na lang kasama ng kanyang pera.

Dahil dito, maamin kaya ni Patrick ang kanyang kamalian at humingi ng patawad sa kanyang pamilya?

Alamin kung ano ang mangyayari sa Stories For The Soul ngayong Disyembre 24, 11:30 ng gabi sa GMA.

Samantala, mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang posibleng pagtakbo ni Pacman sa pagkapangulo sa susunod na presidential elections.

Ito’y matapos ding sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Pacquiao ang nais niyang maging pangulo kapag bumaba na siya sa Malacañang.

May mga um-agree kay Digong pero meron ding kumontra. Pero sabi ni Jinkee Pacquiao kung ano ang magiging desisyon ng asawa ay 100 percent niya itong susuportahan.

***

Speaking of Pacquiao, pati pala ang Pambansang Kamao ay nilamon na rin ng sistema ng K-Drama tulad ni Jinkee. In fact, mapapanood pa si Pacman sa isang an episode ng sikat na Korean show, ang Infinite Challenge.

Lumipad patungong Korea si Pacman recently para i-shoot ang nasabing episode kasama ang mga Korean comedians na sina Jo Se Ho at Yoo Byung Jae. Kasama ni Manny doon ang It’s Showtime host na si Ryan Bang para magsilbing interpreter.

Mapapanood ang nasabing episode sa Dec. 30 sa Korean channel na MBC.

Read more...