Toni pinatunayang wala silang ‘silent war’ ni Erich dahil kay direk Paul

TONI GONZAGA AT ERICH GONZALES

PARA patunayan na wala talagang isyu sa pagitan nila ni Erich Gonzales, nag-post ng mensahe si Toni Gonzaga sa Instagram para purihin ang bida ng 2017 MMFF entry na “Siargao”.

Ito siguro ang paraan ni Toni para tumigil na ang tsismis na may tensyon sa kanila ni Erich matapos ngang matsismis na may “something” daw ang aktres at ang asawa niyang si Paul Soriano na siyang direktor ng “Siargao”.

Na-link kasi si Erich kay Paul habang ginagawa nila ang nasabing pelikula. Pero mariin na itong pinabulaanan ng direktor.

Ayon kay Toni, napakagaling daw ni Erich sa “Siargao” at talagang nakipagsabayan ito sa galing ng kanyang leading man na si Jericho Rosales.

Post ni Toni sa IG, “@erichgg is so hot in this film! Ang sexy! I love her scene where she explained how she can’t even decide what her favorite popcorn is because she’s so used to having someone always decide for her. Loved her acting!”

Sumagot naman si Erich sa message ng misis ni direk Paul, aniya, “Thank you, Ate Toni @celestinegonzaga.”

Sa isang panayam, sinabi ni Toni na matagal na niyang alam na may tsismis nga tungkol sa asawa niya at kay Erich, “Nu’ng May pa, alam ko na yun, kasi nga raw nu’ng nandu’n sila (Siargao), inaano na, may nagme-message na kay Erich, parang, ‘Why? How can you do that?’

“Sabi naman ni Paul, ‘It’s not true, and I don’t wanna react about it,’” sey pa ni Toni.

Sa nakaraang presscon ng “Siargao” wala naman kaming nakitang “something” sa pagitan nina Paul at Erich, mukha namang hanggang trabaho lang talaga ang relasyon nila. Posibleng may gusto lang sumira sa pagsasama ng direkto at ni Toni.

 

Read more...