PINAGPIYESTAHAN ng madlang pipol ang bangayan ng mag-amang Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at Isabelle Duterte. Maraming na-shock sa pasabog ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanyang tatay.
Sa post niya sa Twitter, sinabi ni Isabelle na taun-taon na lang ay sinisira ng tatay niya ang kanyang Pasko, “My dad fu*ks up my Christmas every year. What a time to be alive.”
Sinundan pa ito ng mas matitinding tweet. Narito ang magkasunod niyang post (sa Bisaya): “Dili ingon naa kay posisyon sa city kay pwede naka mangulata!!!! di ingon naa kay power kay pwede naka manakit ug tao!!!! tao gihapon na imong gina hilabtan!!!! di lang kay tao, bata na!!!!”
(Hindi dahil may posisyon ka sa siyudad puwede ka nang mambugbog! Hindi ibig sabihin na dahil nasa puwesto ka pwede ka nang manakit ng tao. Tao ‘yan na iyong pinag-interesan! Hindi lang tao, bata ‘yan!)
“Dili ingon naa kay pangalan pwede naka mag ana!!!! Dili ingon kay Duterte ka, pwede na!!!” (Hindi dahil meron kang kapangyarihan, puwede mo na gawin ang mga gusto mo. Hindi dahil isa kang Duterte, puwede na!!!)
Narito naman ang sagot ni Paolo Duterte sa mga sinabi ng anak na kanyang ipinost sa Facebook (isinalin na sa Tagalog): “Hindi ibig sabihin na inutusan ka ng dalawang beses ng mga taong ‘yan ay tatahimik na lang ako. Kung walang pakialam ang iyong ina at ama-amahan, puwes ako hindi.
“Hindi dahil ako ay isang Duterte, kundi dahil ako ay isang ama. Magpabago ka ng apelyido kung gusto mo. Wala ka nang respeto. Mag-aral ka na nga lang para hindi na mablangko ang utak mo.
“Hindi ka na marunong makinig dahil sikat ka na? Sikat sa ano, Belle? Sikat sa pagiging bastos sa kanyang ama?Hintayin mo na lang na mamatay ako para malaya ka na. Ipagdasal mo.
“Alam ko na lahat tayo ay mapapahiya dito sa post ko. Pero ito ang gusto mo! Puwes, wala akong pakiaalam, anak kita! Wala akong pakialam sa ibang tao kung ito ang paraan para malaman ng mga tao ang pinaggagawa mo.
“FIX YOUR F*CKING LIFE FIRST before i will stop ‘f*cking up’ your christmas every year.”
lTila nang-aasar pang ipinaalala ng bise alkalde sa mga netizen na, “Huwag niyong kalimutan mag-like para manalo ako sa padamihan ng likes sa aking napakabuting millennial na anak. Salamat.”
Kamakailan, naging laman din ng balita si Isabelle dahil sa kanyang pre-debut photo shoot na ginawa sa loob mismo ng Malacañang. Maraming nam-bash sa dalaga pero ipinagtanggol naman ng kanyang lolo.
***
Samantala, sa Facebook account naman ng isang “Isabelle Duterte”, nag-sorry ito sa isang kaibigan na nasa ospital daw ngayon. Ngunit hindi malinaw kung konektado ito sa galit ng apo ni Pangulong Digong.
“My friend, who is now in the hospital, is a good friend of mine since we were 7th grade.
“My friend’s family has shown respect to me and my mother over the years, I’m quite sure considering that my friend is also coming from a respectable family my friend is decent enough to keep an image far from what my friend is accused of,” sabi sa FB post.