DEAR Maam/Sir,
Magandang araw po sa Aksyon Line at Bandera. Nais ko lang ipabatid sa inyo ang aking problema. Ito po ay tungkol sa accrued pension ng aking mother na si MAMERTA D. RAGUMTON, na namatay noong September 29, 2008. Sinubukan po ng babaeng kapatid ko ang mag-apply pero napabayaan po ito. Pormal po akong nag-apply noong March 2015. Nine months ang accrued pension ni Mama. Noong March 2016 ay nai-submit ko ang kulang na requirement. Naka-receive na po ako ng tseke sa halagang P20,000 noong May 2017. Nais ko lamang pong makuha pa ang natitirang limang buwan sa nine na buwan (P6,000). Sana po ay matulungan n’yo ako tungkol dito. Sana ay matanggap namin ngayong December 17 para masaya po kaming magkakapatid sa Christmas . Finance Center Office PVAO po ang ang nagrerelease ng tseke. Hanggang dito na lang po. Salamat po.
Gumagalang at nagpapasalamat,
Romeo D. Ragumton
REPLY: Maraming salamat po sa pagtitiwala sa aming column sa Inquirer Bandera
Ipinaabot na po namin sa Philippine Veterans Office (PVAO) ang inyong hinaing para mabigyang ng kagyat na katugunan
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.