Luis namanhikan na sa tatay ni Jessy?


NAMANHIKAN na nga ba si Luis Manzano sa British-Lebanese father ni Jessy Mendiola?

Ito ang tanong ng mga social media followers ng magdyowa matapos ngang mabalita na nakipag-bonding nang bonggang-bongga si LuisLuis namanhikan na sa tatay ni Jessy?
NAMANHIKAN na nga ba si Luis Manzano sa British-Lebanese father ni Jessy Mendiola?

Ito ang tanong ng mga social media followers ng magdyowa matapos ngang mabalita na nakipag-bonding nang bonggang-bongga si Luis sa tatay ni Jessy na nandito ngayon sa Pilipinas for a short vacation.

Kuwento ni Jessy sa panayam ng ABS-CBN News, “First time niyang pumunta dito, I was seven. Pumunta siya ulit mga five years ago, kasama yung ate ko. Biglang pagdating niya ngayon natuwa ako, he made time for me.”

Natutuwa rin ang dalaga dahil magkasundung-magkasundo ang tatay niya at ang kanyang boyfriend, “Yung dad ko sobrang joker rin. Pagkanagkikita silang dalawa, wala na silang ginawa kundi mag-joke.”

So, totoo nga bang namanhikan na si Luis sa tatay niya, natawa lang si Jessy sabay sabing, “Niloloko na nga nila ako. My dad kasi he’s a believer of…siya kasi parang ‘O, you’re turning 25, do you know the Lebanese way? They get married at 25.’ So bigla akong nagulat sabi ko wait no. I have so much to do.”

Pero inamin ni Jessy na palagi na siyang pinariringgan ni Luis tungkol sa pagpapakasal, “Everyday pinapa-obvious niya sa akin na ready na ako. I think that’s one way of showing his love for me na he’s patiently waiting.”

Handa na ba siyang kalimutan muna ang kanyang career kapalit ng pagpapakasal kay Luis? “There are things in life na hindi mo mapagpapalit sa career di ba? I can whip it up again and I’m taking my time.

I’m really thankful for the strengths and the love that my family, my friends, si Luis na binibigay sa akin. That itself is a blessing for me.”

Read more...