Jane nilinaw ang tungkol sa ‘engagement ring’ na iniregalo ng BF

MAAGANG bibiyahe ang cast ng “Haunted Forest” papuntang Muntinlupa City kung saan gaganapin ang annual Parade of Stars para sa 2017 Metro Manila Film Festival.

Excited na sina Jane Oineza, Jameson Blake, Maris Racal, Jon Lucas at iba pang kasama sa movie na kumaway-kaway sa kanilang fans na dadayo pa sa Munti para masilayan sila nang personal.

Ang cast members na yata ng “Haunted Forest” ang pinaka-popular ngayon sa social media kung MMFF din lang ang pag-uusapan. Bawat guesting nilla sa TV at performance sa mall shows ay grabe kung mag-trending sa Twitter.

Target kasi ng movie ang millennials at dahil sa magandang response, confident si Mother Lily Monterverde na ang Regal entry ang first choice na panonoorin ng mga kabataan, lalo na ang mga mahihilig sa katatakutan.

Speaking of Jane, nilinaw ng dalaga ang tungkol sa singsing na iniregalo sa kanya ng boyfriend na si Kyle Secades nu’ng araw na maging “official” na ang kanilang relasyon.

Hindi raw ito engagement ring kundi simbolo ng pagsisimula ng kanilang pagiging couple, “Siguro  more on doon sa promise ring.”

 

Read more...