Jake tatakutin ang mga bata sa ‘Ang Panday’ bilang Lizardo


SIGURADONG maraming batang matatakot kay Jake Cuenca kapag pinanood na ng mga ito ang 2017 MMFF entry ni Coco Martin na “Ang Panday”.

Napaka-effective kasi ng naging atake niya sa iconic kontrabida role sa “Panday” movie bilang Lizardo, ang mortal na kalaban ni Flavio III (Coco).

Pinuri ng entertainment press si Jake pagkatapos ng celebrity screening ng pelikula kamakailan kaya hindi imposibleng makakuha siya ng award sa darating na MMFF Gabi ng Parangal.

Kuwento ni Jake, nagpapasalamat siya kay Coco na siya ring direktor ng “Panday” dahil binigyan siya nito ng kalayaan kung paano gagawin ang kanyang karakter.

“Pati yung tawa inimbento ko. Hindi ako ganun tumawa in real life I have to do it 25 times sa dubbing,” sabi ng magaling na aktor.

Sa ilang taon niya sa showbiz, ang Lizardo role na raw ang kanyang pinakapaborito, “Yes, ito ang favorite ko na role ever. Ito ang favorite ko na role in my 15-year long showbiz career, my favorite role I’ve ever done in my life.”

Showing na ang “Panday” sa pagsisimula ng 43rd MMFF sa Dis. 25.

Read more...