Empoy-Ellen movie napurnada…hindi na itutuloy ng Star Cinema


HINDI na matutuloy ang pelikula nina Empoy Marquez at Ellen Adarna sa Star Cinema dahil buntis na nga ang sexy actress courtesy of John Lloyd Cruz.

Wala pang opisyal na announcement mula kina Ellen at John Lloyd tungkol dito pero base nga sa mga huling chika, marami ang nakakita na magkasama ang magkarelasyon sa isang hospital sa Quezon City kung saan nagpa-pre-natal check up ang sexy star.

Balitang binago na ang script ng pelikulang gagawin ni Empoy sa Star Cinema kung saan makakasama rin si Zanjoe Marudo sa direksyon ni Victor Villanueva, ang direktor sa likod ng hit indie movie na “Patay Na Si Hesus.”

Tuloy pa rin ang teleseryeng pagsasamahan nina Empoy at Alessandra de Rossi sa ABS-CBN kasama sina Arci Muñoz at Piolo Pascual handog ng Dreamscape Entertainment na mapapanood na sa 2018.

Sabi sa amin ni Mac Merla ng Cornerstone Management, “Bagong Empoy ito Reggs, hindi ‘yung the usual na nagko-comedy lang kasi sinigurado ni Papa P (Piolo) na bagong atake. Sobrang inalagaan siya rito ni Papa P.”

Matatandaang isa si Piolo sa producer ng “Kita Kita” (Spring Films) at talagang desidido siya na ma-maintain ang imahe ngayon ni Empoy bukod nga sa pag-aalaga sa kanya ng Cornerstone ni Erickson Raymundo.

Read more...