PNoy, ex-Cabinet officials, Sanofi execs kinasuhan dahil sa Dengvaxia

KINASUHAN ng mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia si dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino, ilang dating miyembro ng kanyang Gabinete at ilang opisyal ng Sanofi-Pasteur sa Office of the Ombudsman kaugnay ng kontrobersiya dengue vaccine.

Bukod kay Aquino, kinasuhan din ng graft sina dating Health secretary Janette Garin,  dating Budget secretary Florencio Abad, dating Executive Secretary Paquito Ochoa at maraming opisyal ng Sanofi.

“Respondents’ liability is underlined by the admission of Sanofi Pasteur that the vaccine does not protect and in fact exposes to severe dengue those who have not contracted dengue prior to vaccination,” sabi ng mga petitioner sa 23-pahinang complaint-affidavit

Noong Nobyembre 29, naglabas ang Sanofi ng pahayag na kung saan sinabi nito na posibleng makaranas ng severe dengue  ang Dengvaxia sa mga nabakunahan na hindi pa dinapuan ng dengue.

“For the respondents, P3.5 billion of taxpayers’ money paid to Sanofi Pasteur appeared to have been weightier than the lives of more than 700,000 children they have sworn to protect,” ayon pa sa mga petitioner.

Read more...