Coco, Pokey Napa-wow sa mansyon ni Paolo

ANG IPINATAYONG MANSYON NI PAOLO BALLESTEROS SA ANTIPOLO

INULAN ng pagbati at papuri si Paolo Ballesteros nang ibandera niya ang bagong tayong bahay sa kanyang Instagram located sa Antipolo. Ilan sa celebs na nagpaabot ng pagbati sina Coco Martin at Pokwang na kapitbahay ang tawag sa Eat Bulaga Dabarkads.

Kamakailan lang, ang galing sa make-up transformation ng ilang kandidata sa katataapos na Miss Universe 2017 ang sinaluduhan kay Pochoy. Nakatanggap siya ng positibong komento nang gayahin niya ang hitsura ng Miss U 2017 Miss South Africa at runners-up na sina Miss Jamaica at Columbia.

Ang latest na ginaya ni Paolo ay si Miss France, Irish Mittanaere, ang Miss Universe 2016. Take note na isang French beauty expert, si Ines Igron na former national director ng Miss Universe Japan ang pumuri kay Paolo. “You are amazing!” komento ni Ines sa transformation ni Paolo.

Read more...