Bianca tinakam ang BiGuel fans; may pa-ham at queso de bola

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

IBINAHAGI ng Kambal, Karibal star na si Bianca Umali ang kanyang top 5 favorite Christmas food at tinakam pa ang netizens sa kanyang revelation!

Hindi nawala sa listahan niya ang Christmas ham at Queso de Bola na ayon sa kanya ay hindi niya gusto noon hanggang sa pinakain siya nito ng kanyang lola. Bukod doon, sinabi rin ni Bianca na ang adobo ng kanyang lola ang kanyang favorite—mapa-Pasko man o ordinaryong araw lang dahil walang papantay sa recipe ni grandma.

Nakakaintriga naman ang frappuccino na kanyang binanggit dahil hindi niya ipinaalam kung paano niya ito nahanap at kung saan nabibili. Kaya naman kinukulit siya ng kanyang followers kung saan nila ito pwedeng matikman.

Samantala, habang tumatagal ay mas dumarami pa ang naaadik sa primetime series nina Bianca at Miguel Tanfelix na Kambal, Karibal.

Ayon sa ilang viewers, mas nakakaantig at mas pampamilya ang kwento ng Kambal Karibal kaya ito ang mas gusto nilang subaybayan.

Puring-puri rin ng manonood ang akting nina Carmina Villaroel, Jean Garcia, Marvin Agustin at Alfred Vargas sa serye kaya naman gabi-gabi ring nagiging trending topic ang serye na napapanood sa GMA Telebabad after Super Ma’am.

Read more...