GF ni Hashtag Franco na-touch sa ‘regalo’ ni Maine

JANICA FLORESCA AT FRANCO HERNANDEZ

NA-TOUCH ang girlfriend ni Hashtag member Franco Hernandez na si Janica Nam Floresca sa mensaheng ipinadala ni Maine Mendoza sa kanya.

Idinaan ng Dubsmash Queen ang kanyang pakikisimpatya kay Janica sa pamamagitan ng kanyang social media account na ikinatuwa rin ng kanyang mga tagasuporta.

Sa kanyang Instagram Story, ibinahagi ni Janica ang direct message na ipinadala sa kanya ni Maine.

Sabi ng ka-loveteam ni Alden Richards, “Hi Janica! I might not know you (and Franco) personally but I really want to send you a message just to say that you are both lucky to have each other. Just by looking at your IG feed, naiinlove ako sa photos and videos niyo together.

“Such a beautiful couple! I know he’s always around to look after you! Stay strong!”

Sobrang na-appreciate naman daw ni Janica ang gesture ni Maine lalo pa’t kabilang ito sa kalabang programa na pinanggalingan ng kanyang pumanaw na nobyo na si Hashtag Franco na namatay noong Nov. 11 matapos maunod sa isang resort sa Davao Occidental.

Read more...