Reporter ng Channel 2, 5 iba pa sugatan sa karambola

SUGATAN ang anim na katao kabilang ang reporter at anchorwoman  ng ABS-CBN na si Doris Bigornia at ang cameraman nito nang magkarambola  ang anim na sasakyan na nagdulot ng matinding trapik sa kahabaan ng EDSA ngayong hapon.

Sinabi ni Bong Nebrija, operation supervisor, isinara nila ang northbound lane ng EDSA sa mga motorista bandang 1:45 ng hapon binuksan ng 3:30 ng hapon.

Sinasabing nagloko umano ang makina ng Montero Sport na may plakang PQS-314 habang binabaybay nito ang Southbound lane ng  EDSA-Shaw Boulevard at  tumawid ito ng northbound lane hanggang sa bumaliktad.

Nauwi sa salpukan hanggang  karambola ng isang  kulay pulang Toyota Vios (Grab), isa pang Montero Sports,  pick up na service vehicle ng ABS-CBN, kung saan lulan si Bigornia at and cameraman nito na si Marco Polo Gutierrez,  isang Mitsubishi Mirage at  isang motorsiklo .

Sa pangyayari sugatan sina Bergonia at ang camera man nito na si Gutierrez dakong 2:45 na  ng hapon  nadala  ang mga ito  ng rescue  team  ng MMDA sa Medical City.

Sugatan din ang driver ng motorsiklo, driver at pasahero ng Grab (Toyota Vios) at pasahero ng isa pang Montero Sports, agad rin isinugod ang mga ito sa pinakamalapit na ospital.

Kasama sana sina Birgonia sa  grupo ng MMDA para i-cover ang isasagawang clearing operation  sa Cubao, Quezon City.

Ayon sa MMDA, nagdulot ng napakabigat na daloy ng trapiko sa mga motoristang bumabaybay sa EDSA ang aksidente (buong EDSA, southbound at northbound lanes. 

Read more...