Habang isinusulat ang balitang ito’y patuloy pa ang search and rescue operation para sa ibang sakay ng bangka, sabi ni Olive Luces, direktor ng Office of Civil Defense-Calabarzon, sa kanyang ulat.
Tumaob ang Mercraft III sa bahagi ng dagat na malapit sa Brgy. Dinahican, dakong alas-11:30 ng umaga.
Galing ang bangka sa pantalan ng bayan ng Real at patungo sana sa Polillo Island, ani Luces.
Di pa mabatid kung bakit tumaob ang bangka, na kayang magkarga ng 286 katao pero may karga lang na 251 pasahero, aniya.
Dinala ang mga nasagip sa Brgy. Dinahican, kung saan inaasikaso ng Infanta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang pangangailangan, gaya ng gamit pagkain, at balabal.
Nakikipagtulungan ang Philippine Coast Guard Northern Quezon sa Infanta MDRRMO, mga tauhan ng Brgy. Dinahican, at mga sibilyang may bangka upang mahanap ang ibang sakay ng bangka.
Nagpadala na ng tauhan ang Army 41st Infantry Battalion para tumulong sa rescue operations.
Inihanda naman ang mga tauhan ng Quezon PDRRMO para sa posibleng paglilipad sa kanila mula Lucena City para tumulong sa operasyon sa Infanta, ni Luces.
MOST READ
LATEST STORIES