Ferry na may 251 sakay tumaob sa dagat; 100 nasagip | Bandera

Ferry na may 251 sakay tumaob sa dagat; 100 nasagip

John Roson - December 21, 2017 - 06:00 PM
Umabot na sa 100 katao ang nasagip matapos tumaob at lumubog ang pampasaherong bangka na may lulang 251 katao, sa bahagi ng dagat na sakop ng Infanta, Quezon, Huwebes. Habang isinusulat ang balitang ito’y patuloy pa ang search and rescue operation para sa ibang sakay ng bangka, sabi ni Olive Luces, direktor ng Office of Civil Defense-Calabarzon, sa kanyang ulat. Tumaob ang Mercraft III sa bahagi ng dagat na malapit sa Brgy. Dinahican, dakong alas-11:30 ng umaga. Galing ang bangka sa pantalan ng bayan ng Real at patungo sana sa Polillo Island, ani Luces. Di pa mabatid kung bakit tumaob ang bangka, na kayang magkarga ng 286 katao pero may karga lang na 251 pasahero, aniya. Dinala ang mga nasagip sa Brgy. Dinahican, kung saan inaasikaso ng Infanta Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang kanilang pangangailangan, gaya ng gamit pagkain, at balabal. Nakikipagtulungan ang Philippine Coast Guard Northern Quezon sa Infanta MDRRMO, mga tauhan ng Brgy. Dinahican, at mga sibilyang may bangka upang mahanap ang ibang sakay ng bangka. Nagpadala na ng tauhan ang Army 41st Infantry Battalion para tumulong sa rescue operations. Inihanda naman ang mga tauhan ng Quezon PDRRMO para sa posibleng paglilipad sa kanila mula Lucena City para tumulong sa operasyon sa Infanta, ni Luces.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending