P8.9M jackpot nakuha sa Naga

Nanalo ng P8.9 milyon sa bola ng Mega Lotto 6/45 ang isang mananaya sa Camarines Sur.
      Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Naga City.
      Siya ang nag-iisang tumaya sa winning number combination na 10-14-16-25-11-27.
      Nanalo naman ng tig-P12,780 ang 61 mananaya na nakakuha ng lima sa anim na numerong lumabas sa bola noong Miyerkules ng gabi.
      Tig-P270 naman ang napanalunan ng 2,233 mananaya na nakaapat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 29,213 mananaya na nakatatlong numero.
      Ang Mega Lotto ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.

Read more...