Bong Revilla pinayagang umuwi para sa Pasko

 Pinagbigyan ng Sandiganbayan First Division si dating Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na maipagdiwang ang Pasko kasama ang kanyang pamilya.
    Sa resolusyon ng korte, pinayagan sina Revilla at ang kanyang dating aide na si Richard Cambe na makalabas sa Disyembre 24.
      Si Revilla ay pinayagan na lumabas sa kanyang kulungan sa Philippine National Police Custodial Center sa Camp Crame sa Quezon City mula 11 ng umaga hanggang 9 ng gabi sa Disyembre 24 sa Bacoor, Cavite.
      “All expenses to be incurred by the PNP for the personal escorts and security measures in all movements and dispositions of the accused outside Camp Crame until his return to his detention facility, as authorized herein, shall be shouldered and paid by the said accused,” saad ng resolusyon.
    Samantala si Cambe ay pinayagan naman na umuwi sa kanyang bahay sa Imus, Cavite sa kaparehong oras.
    Sa kanyang mosyon, hiniling ni Revilla na makauwi sa kanyang bahay mula Disyembre 24 hanggang 25 at Disyembre 31 hanggang Enero 1.

Read more...