Horoscope, December 21, 2017

Para sa may kaarawan ngayon: Mahaba pa ang buhay at marami pang paskong darating kaya hindi dapat na maging labis na galante. Magsimula ka ng mag-savings at paghandaan ang future. Sa pag-ibig, papalamig na ang simoy ng hangin, yakaping lagi ang giniginaw na kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansyal, wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng mga yumaman na at yumayaman pa. Sa pag-ibig habang nalalapit ang kapaskuhan mas lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Yayaman ka, kung bago matulog hanggang sa makatulugan bigkasin ang mahiwagang kataga: “Ako’y yayaman….Yayaman ako!” Sa pag-ibig, ituro sa kasuyo ang nasabing orasyon. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag magtanim ng galit kahit kanino upang patuloy na lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyong Sagittarius, tutal nangako naman siyang hindi na uulit. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Gray at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Upang muling uminit ang pagmamahalan, kailangan kang magpatawad. Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, lumabas ka ng bahay para magkapera ka. Sa pag-ibig, panay ang awat sa iyo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga nya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Kailangan mong pairalin ang diplomasya, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Cancer naman ang masunod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om-Padme-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran lalo kang susuwertehin at lalong gaganda ang iyong kapalaran. Kapag in love ka, ganon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating ng hindi mo inaasahan. Kaya sa taong 2018, bawal magalit. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, habang nagpapakabuti lalong darami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Cancer, may magandang kapalarang kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuwing magdarasal, magsindi ng kandila kulay pink. Kapag nagawa mo yan, madali ng darating sa inyong pamilya ang susuwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 21, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Bukod sa pink buenas din ang red.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Iwasan ang pagkukuwanri upang mas madali makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig habang dumadami ang salapi, lalo namang sumasarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 13, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa ibang bansa, mas magiging maligaya, sa aspetong pag-ibig at pang-pinansyal. Umpisahan ng mag-aplay sa abroad sa darating na taong 2018. Sa pag-ibig at sa lahat ng bagay, wala sa sinilangang bayan ang suwerte mo, kundi nasa malayong lugar. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Green at red ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung sa iyo talaga nakalaan ang magandang kapalaran, kusa sa iyong mapupunta ang nasabing bagay. Sa pinansyal ay ganon din, ang mahalaga, magnegosyo ka upang umunlad. Sa pag-ibig ay ganon din, sa mga huling araw na ito sa taong 2017, kusang babalik at muling mag-iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 11, 25, 32, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.

Read more...