Pokwang inireklamo ang mga kapitbahay na nagbi-videoke: aba, nagwala na, nagbanta pa!

POKWANG

Grabe naman ‘yung nangyari kay Pokwang. Imagine, sila na nga ang naperwisyo sa ingay ng videoke ay parang may pagbabanta pa sa kanila.

“So ito na nga, nangyari ito kaninang madaling araw 12/20/2017 12:15am ask ko lang po, hindi po ba may bagong batas ngayon na dapat ang karaoke ay hanggang 10 pm lang lalo na sa mga residential area?

“E yung halos apat hanggang limang dipa lang ang layo sayo ng ingay? pano yon? at halos 12:15 am na dipa sila tapos mag atungal!

“Alam ko magpapasko kaliwat kanan ang party pero sana wag naman abuso sa oras at alamin kung nasa tamang lugar nga ba ang pag iingay. si nanay may sakit di makatulog kasi tapat ng bintana nya ang atungal ng karaoke.

“Ako naman 8months preggy na hirap na rin matulog dahil sa kalagayan ko, tapos ng pinakiusapan ni yayey Annie na baka po pwede pakihinaan na po…. ABA!!!! nag wala na si tatang!!! nag sisi sigaw na at ang tapang!! may pagbabanta na!!!!

“Wag daw kami magpapa party kasi babasagin daw nya mga sasakyan ng bisita ko? kelan ako magpa pa-party? pano? Sa kalagayan ko ngayon na bed rest?

“Ok naka video lahat ng talak mo at pagbabanta samin at pagmumura mo sa mga kasambahay ko. merry christmas sayo and goodluck! sasabihin ko soon kung saang EXCLUSIVE SUBDIVISION ito sa Antipolo kapag hindi inayos ito ng HOA president!”

‘Yan ang chika ni Pokwang sa Instagram.

Naku, Paskung-Pasko ay mukhang magiging busy pa si Pokwang sa pagrereklamo, eh, buntis pa naman siya.

Read more...