Pasabog sa 2018: Alden, Jasmine magtatambal sa teleserye


ALDUB fans are you ready for this?

Alden Richards will be paired with Jasmine Curtis-Smith!

Yes. Once na nag-expire na ang digital contract ni Jasmine sa TV5 ay tiyak na ang pagpirma nito ng kontrata sa GMA 7.

Ang chika sa amin, hanggang this year lang ang contract ni Jasmine sa Singko at by next year ay puwedeng-puwede na siyang lumipat sa Siyete.

Actually, Betchay Vidanes, the manager of Jasmine, already knew the stipulation sa kontrata ni Jasmine for GMA 7. Nakalatag na raw ang mga gagawin niya sa network once na magkapirmahan na next year.

And one of the shows na una niyang gagawin ay isang soap opera with Alden.

Apparently, napaso ang GMA 7, the number two network, dahil hindi nag-click ang unang teleserye nina Alden at Maine Mendoza. Aside from the soap, may movie ring gagawin sina Jasmine at Alden.

Before AlDub kasi, naka-position na talagang magsama sa isang movie sina Alden at Jasmine. Kaya lang ay naudlot ito dahil nga biglang nag-click ang tambalang AlDub. With that ay na-shelve ang project ng dalawa.

But come next year ay itutuloy na raw ito ng APT.

But this is not to say na hindi na matutuloy ang movie nina Alden at Maine next year. Gagawin pa rin daw ito, hindi nga lang alam kung ito ang uunahin o ‘yung movie nina Jasmine and Alden.

Babalik na nga si Maine sa Eat Bulaga sa Jan. 1, an event na hinihintay with bated breath ng AlDub fans.

Pero dahil sa kanyang admission na friends lang sila ni Alden, naku, magiging fake lang lahat ng kanilang sweet moments together.

So, ready na ba kayo AlDub fans na mahiwalay ang inyong idol na si Maine kay Alden?

Read more...