KUNG may isang celebrity na balak bigyan ng bonggang regalo ni Joshua Garcia ngayong Pasko, yan ay walang iba kundi si Vice Ganda.
Nagsimula na raw maglista ng mga pangalan ang The Good Son star para hindi niya makalimutang bigyan ng gift this Christmas. Marami raw dapat ipagpasalamat ang binata this year kaya talagang magse-share siya ng blessings sa kanyang mga kaibigan.
“Siguro sa showbiz ang reregaluhan ko si Vice. Naging kaibigan ko siya ngayong 2017 na mas naging malalim pa,” ani Joshua.
Ano naman ang gift niya para sa kanyang sarili? “Out of the country this year din. Sikreto pa kung saan.”
Isa pa sa ipinagpapasalamat ni Joshua ay ang tagumpay ng primetime serye nilang The Good Son sa ABS-CBN pagkatapos ng La Luna Sangre, kasabay ng pagpuri sa kanya ng mga manonood dahil sa ipinapakita niyang akting sa programa.
Nang tanungin si Joshua kung sino ba talaga ang pumatay sa karakter ni Albert Martinez na gumanap na tatay niya sa serye, tugon ng aktor, “Hindi pa natin alam. Nag-iiba-iba kasi, eh! Basta abangan na lang natin.”