Sue, Arjo walang arte, nadalian sa halikan


NAGPASALAMAT si Sue Ramirez sa kanyang ka-loveteam na si Arjo Atayde dahil naging madali para sa kanya ang unang onscreen kiss niya para sa seryeng Hanggang Saan.

“Thankful ako kay Arjo dahil hindi niya ginawang mahirap for me. It’s my first-ever onscreen kissing scene so I am thankful to him na walang awkwardness, very comfortable kami, so hindi siya naging gano’n kahirap gawin,” ani Sue sa panayam ng ABS-CBN.

Dagdag pa ng dalaga, “Kailangan kasi siguro pag-umaarte maganda ‘yung working relationship niyo as partners and me and Arjo have very good working relationship. As in friends kami so madaling kumonek sa isa’t isa.”

Read more...