KANYA-KANYA nang gimik at paandar ang mga artistang may pinagbibidahang entry sa 2017 MMFF dahil ilang araw na lang, Pasko na – ang hudyat ng pagsisimula ng showdown sa takilya.
Kahit sina Vice Ganda at Coco Martin ay kinailangang mag-ikot sa mga matataong lugar just to make sure na uunahin ng mga makukumbinsi nilang manonood ang mga entries nila.
Pinanindigan ni Coco ang pagiging idol ng masa dahil sa mga palengke siya naglibot para yayaing manood ng “Panday” ang mga naroon.
Sey pa nito, “Sanay na sanay ako sa mga ganitong lugar. Nakalakihan ko ang ganito at gusto kong ang mga gaya nila ang unang makapanood ng entry namin. Kumbaga sa pagkain na inihahain namin, yung pelikula namin, kumpletos rekados.”
Sa mga malls naman sumugod si Vice, mapasosyal man o makamasa dahil aniya, “Sa ganitong paraan lang ako makakapagpasaya at masasabi sa kanilang lahat na mas makukumpleto ang saya ng Pasko kapag pinanood nila ang ‘Revenger Squad’ namin.”
Mall tour din ang isa sa mga paraan nina Bossing Vic Sotto para hikayatin ang ating mga kababayan na unahing panoorin sa Dec. 25 ang entry nilang “Meant To Beh”. Todo rin ang promo nila sa Eat Bulaga lalo na sa “Sugod Bahay” portion nina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros.
q q q
Ang pangunahing bida naman ng isa pang MMFF entry na “Ang Larawan” na si Rachel Alejandro ay halos magbabad din sa mga istasyon ng radyo at TV at magparamdam ng wagas sa social media.
Never daw niyang ikakahiya ang entry nila na isa lamang sa dalawang entries na nabigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board.
Pahayag nga nito during her guesting sa aming DZMM show last Sunday, “Very critical kasi talaga yung first two days ng MMFF for all the eight entries. Kung aling entry ang malakas at may hatak sa takilya, mas malaki ang porsyentong magdagdag ng sinehan for them o ma-pull out agad kapag medyo mahina.”
Well, kaya naman kami personally ay nangakong uunahin naming panoorin ang pelikulang “Ang Larawan” dahil kumbinsido kaming well-crafted at garantisadong ang isa sa dalawa o tatlong best entries sa festival if not the best this year.
q q q
And yes, agad din naming isusunod ang gay comedy film na “Deadma Walking.” Grade A din ang nakuha nito from CEB and we believe na gaya ng “Larawan”, pulido at panlaban din ang aura ng movie ni direk Julius Alfonso produced by T-Rex Productions.
Ang iba pang entries na umaasa ring aarangkada on its first two days ay ang “All Of You” nina papa Derek Ramsay at Jennylyn Mercado, “Haunted Forest” ng Regal Films at ang “Siargao” nina Jericho Rosales at Erich Gonzales.
Now tell me kafatid na Ervin, hindi ba tama ang tinuran ni Awra Briguela ng “Ang Panday” na sa pestibal na ito ay kanya-kanya muna silang hatak at hilahan para manguna agad sa box-office?
We believe na lagi nilang sinasabi na sila’y nagtutulungan at walang isyu sa kanila ang box-office rivalry, pero dahil may mga rules and demands ang mga sinehan, bookers, producers and all, dapat ngang magpakatotoo ang mga artista, noh?