Actor-politician napahiya nang dumalaw sa burol ng kapamilya


KUWENTONG ‘di ka malilito.

Tulad ng madalas naming sabihin—combining music and gossip together—if love comes from the most unexpected places, so does tsismis.

Salamat sa aming kapitbahay na kung tawagin nami’y Kuya, a 72 year-old still-macho-looking retired military personnel na tagapag-alaga sa partner niyang maternal aunt namin. He’s a native of a northern Luzon province.

Pinsan niya ang isang actor-turned-politician, bata lang ito ng ilang taon.

Noong kasagsagan ng political career ng kanyang pinsan (from a local post to national) ay matagal nang inuudyukan si Kuya na magsilbing bodyguard nito, but Kuya would always be straightforward with his answer.

“Mas matanda ako sa ‘yo, tapos, uutus-utusan mo lang ako,” tapatan niyang isinasagot sa actor-pulitikong pinsan niya.

Ilang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang ama ni Kuya. Dahil abala sa kanyang trabaho bilang pulitiko ang aktor, kauna-unawa ang kanyang pagdating sa lamay ng alas dos ng madaling araw.

But present were their other kin at the wake, na siyempre’y naabutan ng aktor-pulitiko si Kuya na nag-eestima sa kanilang mga bisita.

Pakiramdaman moments. Naiinip na kasi si Kuya sa maraming oras na nilang pagtitipon sa patay nang wala man lang siyang naaaninag na pag-asang mag-aabot ng abuloy ang kanyang celebrity-cousin.

‘Di na siya nakatiis, mag-uumaga na kasi kaya sa harap ng kanilang sanrekwang kamag-anak ay nagdayalog na siya ng, “Kung anong bilis mong bumunot ng baril sa mga pelikula mo, siyang bagal mong bumunot sa bulsa mo.”

Laughter ensued. Hayun si aktor-pulitiko, kung hindi pa kinantiyawan ni Kuya ay hindi pa ipapasok ang kanyang kamay sa bulsa niya.

May karugtong ang kuwentong ito in our next column on Monday.

Read more...