ARESTADO ang 21-anyos na estudyante matapos mahulihan ng droga sa Light Rail Transit-2 (LRT-2) Cubao Station sa Quezon City.
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Police identified the suspect as Adiv Zimran Santiago, na naaresto Martes ng gabi matapos matagpuan sa kanya ang isang sachet ng shabu.
Base sa imbestigasyon ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7, papasok si Santiago sa station nang siya ay pigilan ng was security guard na nagsasagawa ng inspeksyon.
Sa ulat ng Radyo Inquirer 990AM, sinuri ng isang security guard ang mga gamit ni Santiago bilang bahagi ng protocol ng LRT nang mapansin ang shabu.
Tinangka pa umanong tumakas ni Santiago bagamat nasukol sa katabing mall.
Idinagdag ng pulisya na nakuhaan din umano si Santiago ng mga sachet ng marijuana, anim na ecstasy tablet at cocaine; at isang sachet ng dilaw na powder, na pinaniniwalaang ilegal na substance.
Bukod pa rito, sinabi ng pulisya na nakuhaan din si Santiago ng tatlong bote ng liquid ecstasy; at P52,000.
Sinabi ng mga pulis na magre-remit umano si Santiago ng pera sa kanyang supplier ng ilegal na droga.
Nakakulong si Santiago sa QCPD Station 7 sa Cubao.