Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration naging tropical depression na ang binabantayan nitong Low Pressure Area at magdadala ito ng pag-ulan sa Eastern Visayas at Eastern Mindanao.
“Residents of these areas must undertake appropriate measures against flooding and landslides and coordinate with their respective local government and disaster risk reduction and management office,” saad ng PAGASA.
Kung hindi magbabago ang bilis at direksyon, ang bagyong Vinta ay magla-landfall sa Caraga-Davao Region sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga.
Ang bagyo ay may hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras ang bilis at pagbugsong 60 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa bilis na 20 kilometro bawat oras patungong kanluran.
Ngayong araw ang bagyo ay inaasahang nasa layong 350 kilometro sa silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Posible umanong itaas sa Tropical Cyclone Warning Signal Number 1 ang mga probinsya ng Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Compostela Valley, at Davao del Norte.
MOST READ
LATEST STORIES