“I’m here to show to the people na galit talaga ako sa droga, na kung hindi talaga kayo maghinto, mamamatay talaga kayo. Makita mo, sabi na human rights na pinapatay ‘yung ano…” sabi ni Duterte matapos bumisita sa burol ni Police Officer 3 (PO3) Wilfredo Gueta, sa Peñaflor Compound sa Maybunga, Pasig City, kagabi.
Namatay si Gueta matapos magtamo ng dalawang tama ng bala sa isinagawang operasyon kontra droga Barangay Canionagan, Pasig City.
Sugatan naman si PO1 Raymond dela Cruz sa kaparehong operasyon.
“Magsabi lang ako ngayon, O, sige bigyan niyo ako impormasyon. Babayad ako ng 500,000. Ibigay ko doon sinong gusto ninyo, sa barangay captain ninyo. Bigyan mo ako ng pangalan. Bayad ako bukas P500,000. Walang lokohan,” ayon pa kay Duterte.
Kamakailan ay ibinalik ni Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang kapangyarihan na muling ituloy ang gera kontra droga.
“Pangalan lang. Pasa mo doon sa kapwa mo barangay captain. Pangalan lang. Kayo lang. Huwag na ako. Huwag mo ng paabutin sa akin. Ibulong mo lang diyan sa pulis. Karaming pulis. O ‘yan ang pangalan.” Tingnan natin kung sino ng — Naglilibing tayo nang araw-araw eh kaya yumaman ‘yang mga pari,” ayon pa kay Duterte.